Bayambangueña, Tumanggap ng Wheelchair mula kay Mayor Niña

Lubos na nagagalak at nagpapasalamat ang buong pamilya ng isang 74 taong gulang na ginang mula sa Barangay Nalsian Norte dahil sa regalong bagong wheelchair ni Mayor Niña.

Ito ay sa kadahilanang mapapalitan na ang luma at kinakalawang na nitong wheelchair.

Magagamit ng naturang ginang ang upuan na ito sa pang-araw-araw ng mas komportable kumpara sa dati. (SUG; MTICAO)