Bayambang, Wagi sa Opening Day ng Inter-Agency Basketball League ng EZ Jersey Pangasinan!

Nagbukas sa panalong kampanya ang koponan ng Local Government Unit (LGU) ng Bayambang matapos talunin ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Basista sa opening day ng Inter-Agency Basketball League na inorganisa ng EZ Jersey Pangasinan.

Ipinakita ng Team Bayambang ang mahusay na depensa at matatag na samahan upang masungkit ang unang panalo sa torneo, na nagsisilbing matibay na simula sa kanilang kampanya sa liga.

Lalo pang naging makabuluhan ang tagumpay dahil buong-pusong sinuportahan nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Dr. Cezar T. Quiambao ang koponan sa pamamagitan ng pagsagot sa gastusin ng kanilang pagsali, kabilang ang mga jersey ng mga manlalaro.

Patuloy namang inaasahan ang suporta ng mga Bayambangueño sa Team Bayambang habang tinatahak nito ang mga susunod na laban sa Inter-Agency Basketball League. (RSO; SK)