Tagumpay na naipatupad ng bayan ng Bayambang sa pamamahala ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang sampung mahahalagang aspeto ng 𝗧𝗲𝗻-𝗬𝗲𝗮𝗿 𝗦𝗼𝗹𝗶𝗱 𝗪𝗮𝘀𝘁𝗲 𝗠𝗮𝗻𝗮𝗴𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗣𝗹𝗮𝗻 (SWMP) nito para sa taong 2023, batay sa isinagawang pagsusuri ng validation personnel ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) noong Nobyembre 11-12, 2024.
Ayon sa ulat, matagumpay na naisakatuparan ng Bayambang ang mga sumusunod na aspeto: 𝘚𝘰𝘶𝘳𝘤𝘦 𝘙𝘦𝘥𝘶𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯; 𝘊𝘰𝘭𝘭𝘦𝘤𝘵𝘪𝘰𝘯; 𝘚𝘦𝘨𝘳𝘦𝘨𝘢𝘵𝘪𝘰𝘯, 𝘙𝘦𝘤𝘺𝘤𝘭𝘪𝘯𝘨, 𝘢𝘯𝘥 𝘊𝘰𝘮𝘱𝘰𝘴𝘵𝘪𝘯𝘨; 𝘔𝘢𝘳𝘬𝘦𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘥 𝘔𝘢𝘳𝘬𝘦𝘵 𝘋𝘦𝘷𝘦𝘭𝘰𝘱𝘮𝘦𝘯𝘵; 𝘈𝘭𝘵𝘦𝘳𝘯𝘢𝘵𝘪𝘷𝘦 𝘛𝘦𝘤𝘩𝘯𝘰𝘭𝘰𝘨𝘪𝘦𝘴 𝘧𝘰𝘳 𝘙𝘦𝘴𝘪𝘥𝘶𝘢𝘭 𝘞𝘢𝘴𝘵𝘦𝘴; 𝘚𝘞 𝘋𝘪𝘴𝘱𝘰𝘴𝘢𝘭; 𝘚𝘱𝘦𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘞𝘢𝘴𝘵𝘦𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘏𝘦𝘢𝘭𝘵𝘩 𝘊𝘢𝘳𝘦 𝘞𝘢𝘴𝘵𝘦𝘴; 𝘔𝘰𝘯𝘪𝘵𝘰𝘳𝘪𝘯𝘨 𝘗𝘳𝘰𝘨𝘳𝘢𝘮; 𝘍𝘪𝘯𝘢𝘯𝘤𝘪𝘢𝘭 𝘈𝘴𝘱𝘦𝘤𝘵𝘴; at 𝘞𝘢𝘴𝘵𝘦 𝘋𝘪𝘷𝘦𝘳𝘴𝘪𝘰𝘯.
Nagbigay rin ang tanggapan ng mga rekomendasyon upang higit pang mapabuti ang resulta ng implementasyon at pinuri ng ahensya ang Bayambang sa kanilang dedikasyon sa pagpapatupad ng mga programang ito at inaasahan na ipagpapatuloy ang mga positibong hakbang tungo sa pangmatagalang pamamahala ng basura.
Ang tagumpay na ito ay patunay ng dedikasyon ng administrasyong Quiambao-Sabangan sa pangangalaga ng kapaligiran, lalo na sa pag-implementa ng espesyal na proyektong ‘Bali-Balin Bayambang’ ni Mayor Niña.
Hinihikayat ang lahat ng mamamayan na suportahan ang patuloy na pagpapatupad ng mga programang makakalikasan na may layuning protektahan ang kalikasan para sa susunod na henerasyon. (𝘙𝘰𝘷𝘪𝘯 𝘎𝘦𝘮 𝘋. 𝘚𝘰𝘳𝘪𝘢𝘯𝘰/𝘙𝘚𝘖)