Ang mga pre-K learners ng 77 Child Development Centers ng Bayambang ay sabay-sabay na tinuruang magtanim ng mga gulay noong November 11, 2024, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month 2024.
Kasama ang kanilang mga Child Development Workers at mga magulang, mismong ang mga learners ang nagtanim ng mga gulay sa mga paso o katabing bakuran matapos silang turuan ng mga wastong hakbang sa backyard gardening.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng pagsulong ng MSWDO ng karapatang pambata sa aspeto ng “survival” o karapatang mabuhay. (RSO; MSWDO)