Pormal na tinanggap ng LGU-Bayambang, na nirepresenta nina MNAO Venus M. Bueno at OIC-MPDO Ma-lene S. Torio, sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, ang CROWN (Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition) Award mula sa National Nutrition Council, sa National Nutrition Awarding Ceremony na pinangunahan mismo nina Presidente Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. at Department of Health Secretary Teodoro J. Herbosa, M.D. noong March 7, 2025, sa Crowne Plaza Manila Galleria, Pasig City.
Kasama ni Bueno ang lahat ng staff ng MNAO sa naturang parangal.
Upang makamtan ang CROWN award, kailangang maka-score ng isang LGU ng at least 90% sa MELPPI Pro evaluation ng NNC, at kapag diridiretsong ma-maintain ng isang LGU ang pagiging CROWN Awardee o number 1 ranking nito sa buong rehiyon sa loob ng three consecutive years, makakamit naman ang Nutrition Honor Award, ang pinakamataas na nutrition award sa bansa.
Sa ngayon, ito ang unang CROWN award ng Bayambang. (RSO; MNAO)