Muling pinatunayan ng bayan ng Bayambang ang galing ng mga Bayambangueña matapos hirangin si Christien P. Garcia ng Brgy. Zone 6 bilang 4th Runner Up mula sa 41 entries ng lalawigan sa “Juana Malakas: Stories of Women Empowerment Advocacy Video.”
Ang patimpalak ay bahagi ng selebrasyon ng National Women’s Month ngayong Marso na layuning maitampok ang liderato ng mga kababaihan bilang mahalagang bahagi ng pagkakakilanlang Pilipino.
Ang pagkapanalo ni Garcia ay isang malaking karangalan para sa bayan ng Bayambang, na nagpapatunay na ang boses ng bawat Juana ay may kapangyarihang magbigay ng inspirasyon at pagbabago. (KBP/RSO; DSWD)

