Ang infrastructure tourism project proposal ng MTICAO ay isa sa apat na pumasok sa 2nd Tourism Champions Challenge ng Department of Tourism Region I bilang mga regional entry sa national level, ayon sa pahayag ni DOT Regional Director Benjamin D. Manahan Jr.
Ito ay matapos matagumpay na depensahan kamakailan ng MTICAO ang kanilang proyektong “Bayambang Expo Cultural Greenhouse Park: Cultivating Agri-Tourism, Food, Culture, and First-Gen Dreams.”
Ang Bayambang ang tanging bayan mula sa buong probinsiya ng Pangasinan na may napiling entry sa naturang kumpetisyon.
“Ang pagkakapiling ito ay kumikilala sa kahalagahan at potensyal na epekto ng inyong iminungkahing proyektong pang-imprastruktura sa turismo bilang suporta sa aming layunin na mapahusay ang kabuuang karanasan ng mga turista sa rehiyon,” ani Dir. Manahan. (RSO; MTICAO)





