Sumabak sa isang audit at field validation ang proyektong “Construction of Bayambang Onion Cold Storage” sa ilalim ng Department of Agriculture-Philippine Rural Development Project (DA-PRDP).
Nagtulung-tulong ang Internal Audit Service, Project Support Office North Luzon Cluster, at Regional Project Coordination Office ng DA para rito ngayong araw, Setyembre 17, 2025.
Ang auditing/validating team ay sinamahan ng Municipal Engineering Office at mga miyembro ng Municipal Project Management and Implementing Unit ng LGU-Bayambang sa pamumuno ni Atty. Rodelyn Rajini S. Vidad.
Sa naturang assessment, nakita ng mga bisita mula sa DA na ang naturang proyekto ay naimplementa nang epektibo, episyente, at sa ethical at matipid na pamamaraan, at ang mga nais marating ng proyekto sa puntong ito ay naisakatuparan.
Napatunayan ding tama ang alokasyon ng budget at iba pang resources, at ang paggamit sa pondo at mga materyales ay maayos at naaangkop. (RSO; Karl Vincent Alvarez, AG)












