Bayambang OIC-MCD Officer at Staff, Nagtapos at Umani ng mga Parangal sa Cooperative Development Officers Certification Program!

Ang OIC ng Bayambang Municipal Cooperative Development Office (MCDO), Atty. Melinda Rose R. Fernandez, at staff nito na si Jacinto Perez ay matagumpay na nagtapos at humakot pa ng mga parangal sa isinagawang Cooperative Development Officers (CDO) Certification Program noong Setyembre 13–16 at Setyembre 23–26, 2025 sa El Jardine Resto, Lingayen, Pangasinan.

Ang programang pangsertipikasyon ay inorganisa ng Provincial Planning and Cooperative and Livelihood Development Office (PPCLDO) katuwang ang Cooperative Development Authority (CDA), at dinaluhan ng mga Cooperative Development Officers mula sa iba’t ibang bayan ng Pangasinan na sumailalim sa masusing pagsasanay ukol sa Fundamentals of Cooperatives at Governance and Management of Cooperatives.

Namukod-tangi si Atty. Fernandez matapos hiranging top performer sa dalawang kurso, patunay ng kanyang galing at dedikasyon sa larangan ng kooperatiba.

Bukod dito, iginawad din sa kanila ang Certificate of Authority mula sa CDA na nagbibigay kapangyarihan upang magsagawa ng mga pagsasanay at seminar tungkol sa nabanggit na mga paksa sa kanilang lokalidad.

Ang naturang programa ay nagbigay-diin sa mahalagang papel ng mga Cooperative Development Officers bilang katuwang sa pagpapalakas ng mga kooperatiba na nagsisilbing haligi ng inklusibong pag-unlad, pagbibigay-kapangyarihan sa ekonomiya, at pagpapaunlad ng komunidad sa buong lalawigan ng Pangasinan. (MCDO/RSO; MCDO)