Bayambang, National Representative ng Region I sa Gawad Pugay Puso!

Sa pinakahuling pulong ng Municipal Advisory Council, inanunsyo ng DSWD Region I na magiging kabilang ang LGU-Bayambang sa mga napiling national representative ng DSWD Region I sa Search for Gawad Pugay Puso sa taong 2026 ng 4Ps National Program Management Office ng naturang departamento. Ito ay dahil sa pagkapanalo nito bilang Best 4Ps Implementing LGU sa buong rehiyon.

Sa MAC Meeting na ito, muling tinutukan siyempre ang mga status update sa implementasyon ng 4Ps sa Bayambang, kabilang ang mga naging accomplishment, compliance rate, registration ng bagong batch, graduation o exit ng ilang pamilya, gender and development mapping, at iba pa. (RSO; JMB)