Isinagawa ngayong Miyerkules, Oktubre 29, 2025, ang isang tree-growing activity sa Managos Farmers Agriculture Cooperative Farm, Purok 6, Brgy. Managos, bilang bahagi ng Pangasinan Green Canopy Project ng Provincial Population Cooperative and Livelihood Development Office (PPCLDO) ng pamahalaang panlalawigan katuwang ang Municipal Cooperative Development Office (MCDO) ng Bayambang.
Layunin ng proyekto na makapagtanim ng isang milyong puno sa loob ng tatlong taon bilang ambag sa pangangalaga ng kalikasan at sa pagpapanatili ng balanseng ekolohiya.
Pinangunahan ng mga kawani ng PPCLDO, MCDO, at mga miyembro ng Managos Farmers Agriculture Cooperative, ang pagtatanim na sinimulan dakong 6:30 ng umaga, bilang patunay ng pagkakaisa ng mga Bayambangueño sa adbokasiyang pangkalikasan.
Ang nasabing aktibidad ay nagsilbing paalala na ang simpleng pagtatanim ng puno ay malaking hakbang tungo sa mas luntian at mas ligtas na kinabukasan para sa lahat. (RSO; MCDO)








