Ang Bayambang ay naitala bilang nangungunang munisipalidad sa buong Rehiyon Uno batay sa datos ng Bureau of Local Government Finance (BLGF) mula sa kanilang Statement of Receipts and Expenditures (SRE) noong ikatlong quarter ng taong 2025.
Ayon sa inilathalang listahang “Top Municipality Regionwide” para sa pinakamataas na operating income, nakapagtala ang Bayambang ng humigit-kumulang na P463,620,000, na nangunguna sa 50 munisipalidad na may pinakamataas na operating income sa rehiyon.
Ang datos na ito ay nagpapakita ng husay sa pamamahala ng pananalapi ng mga lokal na pamahalaan sa rehiyon, lalo na ang Bayambang sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao, na nakamit ang pinakamataas na kita sa pagpapatakbo ng kanilang mga serbisyo at proyekto. (VMF/RSO; APA

