Sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, malugod na winelcome ng LGU-Bayambang ang mga retiradong guro mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan sa ginanap na mass induction ng mga opisyales ng Philippine Alliance of Retired Educators (PARE)-Pangasinan Chapter noong Agosto 22, 2025 sa Balon Bayambang Events Center.
Sa temang, “PARE Pangasinan Chapter: Advocates of Retired Educators’ Welfare and Promoters of Lifelong Learning,” layunin ng programa na pagtibayin ang samahan ng mga lokal na chapter sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Jesus L.R. Mateo, PARE National President, at Dr. Ma. Celia Junio-Fernandez, Vice President ng PARE para sa Pangasinan Chapter, at kilalanin ang mga guro bilang tagapagtaguyod ng panghabambuhay na pagkatuto.
Naging panauhing pandangal sa programa si Vice-Mayor Ian Camille Sabangan, na siyang nagrepresenta kay Mayor Niña.
Nanguna siyempre sa pag-estima sa mga bisita ang grupo ng retired teachers mula sa Bayambang sa pamumuno ni Dr. Nancy Gutierrez.
Todo-suporta ang LGU-Bayambang sa aktibidad, dahil sa tulong ng iba’t ibang departamento upang maging maayos ang programa, kabilang ang RHU, MDRRMO, BPSO, GSO, ICTO, at MTICAO-PIO. (Wrensly Mercado Calimlim/RSO; JMB)
















