Ang bayan ng Bayambang ay napiling host ng Pangasinan Association of Local Government Accountants o PALGA para sa monthly meeting nito.
Ang pulong ay dinaluhan ng iba’t-ibang Municipal Accountants mula sa buong probinsya ng Pangasinan, noong March 8, 2024, sa Niñas Cafe, Saint Vincent Village.
Nagsilbing resource speaker ang Provincial Director of Civil Service Commission ng Pangasinan Field Office na si Dir. Flordeliza C. Bugtong. Kaniyang tinalakay ang functions ng Municipal Accountants gayundin ang pagprepara ng Human Resource Officers ng payrolls, remittances, at iba pang benepisyo ng mga kawani ng mga lokal na pamahalaan.
Naroon siyempre, upang iwelcome ang mga bisita, sina Municipal Accountant Flexner de Vera, LGU-Bayambang Internal Audit Unit head Erlinda Alvarez, at MTICAO head, Dr. Rafael L. Saygo, bilang kinatawan ni Mayor Niña Jose-Quiambao. (ni Sharlene Joy G. Gonzales/RSO; larawan: JMB)