Bayambang, Muling Humakot ng Parangal sa Provincial Health Summit

Muling pinatunayan ng Lokal na Pamahalaan ng Bayambang ang kahusayan nito sa larangan ng kalusugan matapos nitong mag-uwi ng iba’t ibang parangal sa katatapos lamang na 15th Provincial Health Summit at LGU Scorecard Awarding na may temang “Dungawan ng Kahusayan sa Kalusugan”, na ginanap noong Enero 16, 2026 sa Grand Lourdes Hotel, Judge Jose de Venecia Sr., Calasiao, Pangasinan.

Sa pamamagitan ng Rural Health Unit (RHU), tumanggap ng mga sumusunod na parangal ang LGU-Bayambang sa Large Category:

• Epidemiological Surveillance Unit – Champion

• Annual Operational Plan (AOP) – Champion

• Mental Health Program – Champion

• Health Promotions Program – Runner-Up

• Maternal Health / Safe Motherhood Program – Runner-Up

Ang mga nasabing pagkilala ay patunay ng masinop na pagpaplano, epektibong implementasyon ng mga programa, at dedikasyon ng mga health workers ng bayan sa pangunguna ng lokal na pamahalaan. Ipinapakita rin nito ang patuloy na pagsusumikap ng LGU-Bayambang na maihatid ang de-kalidad, inklusibo, at makataong serbisyong pangkalusugan para sa bawat mamamayan. (KBP/RSO; Rob Cayabyab)