Bayambang MPS, Itinanghal na Best Municipal Station (Class A) Nationwide sa PNP Day 2026!

Pinarangalan bilang Best Municipal Station (Class A category) ang Bayambang Municipal Police Station (MPS) nationwide, matapos makapagtala ng 89.80% performance rating sa ilalim ng pamumuno ni PNP-Bayambang Chief, PLtCol. Rommel Bagsic.

Ang pagkilalang ito ay bahagi ng PNP Day Celebration 2026, na ginanap sa Camp Crame, Quezon City.

Patunay ito ng mataas na antas ng propesyonalismo, mahusay na pamumuno, buong suporta, at epektibong pagpapatupad ng mga programa sa kapayapaan at kaayusan ng bayan sa ilalim ng panunungkulan ni Mayor Niña Jose-Quiambao. (KBP/RSO; PNP)