Bayambang MDRRMC, Nasungkit ang Gawad KALASAG sa Ikatlong Pagkakataon

Muling nasungkit ng LGU-Bayambang ang Gawad Kalasag mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pangatlong pagkakataon.

Isa ang Bayambang sa 723 lamang na “Fully Compliant Local Government Units” sa ginanap na 23rd Gawad KALASAG Seal and Special Awards for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance para sa kategoryang “Local DRRM Councils and Offices.”

Ang Gawad KALASAG (Kalamidad sa Sakuna Labanan, Sariling Galing ang Kaligtasan) ay isang parangal sa Pilipinas na iginagawad sa mga indibidwal, grupo, at ahensya na nagsusulong ng pagpapalakas ng kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan sa mga kalamidad at sakuna.

Ang pagkilalang ito ay naging posible dahil sa mapag-arugang pamamahala ni Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice-Mayor Ian Camille Sabangan at sa sipag at sigasig ng mga kawani ng MDRRMO Bayambang sa pamumuno ni Local DRRM Officer Genevieve U. Benebe at lahat ng miyembro ng MDRRM Council. (by Vernaliza M. Ferrer/RSO)