Bayambang MCD Council, Pinarangalan

Ang Bayambang Municipal Cooperative and Development Council ay binigyan ng plake ng pagkilala, sa ginanap na Region I Cooperative Stakeholders Summit noong October 16, 2025 sa Speaker Pro-Tempore Francisco I. Ortega Convention Center, City of San Fernando, La Union.

Ang parangal ay isang pagkilala sa nagawa ng MCDC na pagpapayabong sa mga lokal na kooperatiba.

Sa ngalan ni Mayor Nina Jose-Quiambao at G. Albert Lapurga, ang parangal ay tinanggap ni OIC MCD Officer, Atty. Melinda Rose Fernandez, kasama ang staff na si Hazel Joyce B. Soriano. (RSO; MCDO)