Bagong Itinalagang Municipal Councilor, Nag-Courtesy Call kay Mayor Niña
Ngayong araw, nag-courtesy call kay Mayor Niña Jose-Quiambao si newly appointed Municipal Councilor Mylvin “Boying” Junio bilang bagong miyembro ng Sangguniang Bayan ng Bayambang.
Bilang bahagi ng proseso para sa pagpuno sa nabakanteng posisyon, si Mayor Niña ang nag-endorso kay Councilor “Boying” Junio sa Nacionalista Party upang maging kapalit ng kanyang yumaong anak na si Councilor Jan Nazer David B. Junio, na buong pusong naglingkod sa ating bayan bilang miyembro ng konseho.
Sa kanilang pagkikita, ipinahayag ni Councilor Boying ang kanyang kahandaang ipagpatuloy ang nasimulang paglilingkod ng kanyang yumaong anak at makipagtulungan sa Pamahalaang Bayan para sa kapakanan at ikabubuti ng bawat Bayambangueño.
Ang pagkakataong ito ay patunay na sa kabila ng mga hamon, nananatiling matatag, maayos at nagkakaisa ang Executive at Legislative branches ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang.
Magkakaiba man ang tungkulin, iisa ang layunin—ang patuloy na paglilingkod, pagkakaisa, at pag-unlad ng Bayambang.
Bayambang, Matatag at Nagkakaisa.


