Bayambang, Mas Pinaigting ang Kahandaan: Disaster Preparedness Kits, Ipamahagi sa Lahat ng Elementary Schools

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lokal ng Bayambang ang mas ligtas at handang komunidad matapos nitong ipamahagi ang mga disaster preparedness kit sa lahat ng elementary schools sa buong bayan ngayong araw, ika-3 ng Disyembre 2025.

Sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, iniabot ng LGU-Bayambang ang libu-libong disaster preparedness kits na naglalaman ng flashlight, whistle, at hard hat na maaaring magamit ng mga bata sa panahon ng sakuna tulad ng lindol, baha, at sunog.

Katuwang ng LGU ang MDRRMO, DepEd–Bayambang, at mga school heads sa mabilis at maayos na pamamahagi.

Layunin ng programa na matiyak na ang bawat batang Bayambangueño ay handa at ligtas sa anumang sakuna. (KB/RSO; JMB)