Kinilala ang bayan ng Bayambang bilang Zero Open Defecation (ZOD) Certified Municipality ng Department of Health (DOH) sa ginanap na Environment Sanitation and Occupational Health Summit 2025 awarding ceremony noong Nobyembre 21, 2015 sa Aloha Nui, Candon City, Ilocos Sur.
Ayon sa RHU, ang Bayambang ang tanging bayan na nakakamit ng ZOD certification ngayong taon, 2025, at ang ika-33 na munisipalidad sa buong lalawigan ng Pangasinan na umabot sa ganitong antas ng kalinisan at tamang sanitasyon.
Ang pagkilalang ito ay patunay sa masigasig na pagpapatupad ng mga programa sa kalusugan at sanitasyon ng lokal na pamahalaan, katuwang ang mga barangay at komunidad sa pagsusulong ng ligtas, malinis, at maayos na kapaligiran.
Mula sa pagpapatayo ng mga de-kalidad na palikuran hanggang sa malawakang kampanya kontra open defecation, pinatunayan ng Bayambang ang dedikasyon nito sa pampublikong kalusugan.
Ipinahayag naman ng DOH na ang susunod na hakbang para sa bayan ay ang pag-abot sa ZOD G2 o mas mataas pang antas ng sertipikasyon—isang hamon na handang harapin ng pamahalaang lokal upang mas mapaigting pa ang kalinisan, kalusugan, at kalidad ng pamumuhay ng bawat Bayambangueño. (RSO; RHU)








