Kinilala ang bayan ng Bayambang bilang isa sa mga local government units na may “Ideal Functionality” sa 2025 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Functionality Assessment (Performance Year 2024) ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region I.
Ang muling pagkilalang ito ay nagpapatunay sa patuloy na pagsusumikap ng Pamahalaang Lokal ng Bayambang, sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao, sa pagsusulong ng mga programang nakatuon sa karapatan, proteksyon, at kapakanan ng bawat batang Bayambangueño.
Sa pamamagitan ng mahigpit na koordinasyon sa mga ahensya at sektor na katuwang sa adbokasiyang ito, matagumpay na naipatupad ng Bayambang LCPC ang mga inisyatibang tumutulong sa pagpapatatag ng isang ligtas, mapagkalinga, at child-friendly na pamayanan. (WMC/RSO; Mark Andrei de Luna, DILG R1)

