Salamat sa buong suporta ni Mayor Niña Jose-Quiambao, na naglaan ng P1.3 milyon para sa mga manlalaro, matagumpay na ipinamalas ng mga atletang Bayambangueño ang kanilang husay sa Schools Division Office I (SDO1) Athletic Association Meet 2026 na ginanap mula Pebrero 4 hanggang Pebrero 7, 2026.
Sa nasabing kumpetisyon, itinanghal ang Bayambang bilang overall champion sa kabuuang standings.
Sa matinding pagsisikap at dedikasyon ng mga atleta, nasungkit nila ang kabuuang 71 medalya. Kabilang dito ang 64 na gintong medalya, 22 na pilak, at 41 na tanso.
Ang tagumpay na ito ay patunay na ang kabataang Bayambangueño ay hindi nagpapahuli sa larangan ng sports.
Isang mainit na pagbati at pagkilala ang inihahatid ng Local Government Unit (LGU) ng Bayambang sa lahat ng atletang lumaban nang buong puso, gayundin sa kanilang mga coach na nagsilbing gabay sa kanilang paglalakbay patungo sa tagumpay.
Mabuhay ang mga atletang Bayambangueño! (VMF/RSO)




