Pormal na itinurn-over ngayong araw, ika-23 ng Marso 2026, ng Professional Regulation Commission (PRC) Regional Office I sa bayan ng Bayambang ang kanilang resolusyon na nagtatalaga sa ating bayan bilang isa sa mga opisyal na testing centers para sa iba’t ibang licensure examinations.
Ang resolusyon na pinamagatang “A Resolution Commending the Professional Regulation Commission (PRC) Regional Office I, headed by Atty. Arl Ruth B. Sacay-Sabelo, Regional Director, for Designating the Municipality of Bayambang as One of Its Testing Centers for Various Licensure Examinations, Thereby Providing Greater Access and Convenience to Constituents and Aspiring Professionals” ay personal na ipinagkaloob sa Punong-Bayan bilang pagkilala sa kakayahan at kahandaan ng bayan ng Bayambang na magsilbing testing center.
Kasama sa delegasyon ni Atty. Sabelo kasama sina Dr. John Adrian J. Malagotnot, Chief Professional Regulations Officer, at Dr. Rosa Victoria C. Quinto, Supervising Regulations Officer, sa isinagawang turnover ceremony.
Malugod namang tinanggap ni Mayor Niña Jose-Quiambao ang nasabing resolusyon at nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat sa PRC sa pagbibigay ng ganitong oportunidad hindi lamang sa mga Bayambangueño kundi pati na rin sa mga karatig-bayan.
Sa pamamagitan nito, inaasahang mas maraming Bayambangueño at mga taga-karatig-bayan ang magkakaroon ng mas madaling access sa licensure examinations—isang mahalagang susi tungo sa kanilang pangarap na propesyon. (KALB/RSO; RobC)


