Bayambang, Isa sa Pilot Area ng DOT-RO1 para sa Slow Food Travel Program sa Rehiyon Uno

Bumisita ang Department of Tourism-Region I (DOT-RO1) sa bayan ng Bayambang, ngayong araw, ika-4 ng Marso 2026, upang isagawa ang validation at assessment ng St. Vincent Ferrer Prayer Park bilang isa sa mga pangunahing tourism site para sa kauna-unahang Slow Food Travel and Mapping initiative sa rehiyon.

Layon ng proyekto na itampok ang mayamang pamanang kulinarya at agrikultura ng Bayambang, at gawing world-class culinary destination ang Bayambang sa pamamagitan ng pag-uugnay ng turismo sa mga lokal na magsasaka at mangingisda.

Ang hakbang na ito ay hango sa tagumpay ng Western Visayas sa pagyakap sa “Slow Food Movement.”

Tampok sa nasabing aktibidad ang isang cooking demonstration ng buro at iba’t ibang kakaning pang-merienda kung saan ipinakita ng mga magsasaka ng Bayambang ang tunay na diwa ng “Good, Clean, and Fair” na pagkain.

Ang mga bisita ay inasistehan ng mga kawani ng Municipal Tourism, Information, and Cultural Affairs Office (MTICAO) sa ilalim ni Dr. Rafael L. Saygo.(KBP/RSO; JMB)