Bayambang, GeoRiskPH Best Practice Awardee

Ang LGU-Bayambang ay nagwagi sa parangal na Best Practice in Adopting the GeoRiskPH Platform mula sa DOST-Phivolcs, sa ginanap na 1st GeoRisk Convention Training Workshop sa PICC, Pasay City noong September 16, 2024.

Ito ay pagkilala sa maagap na pag-adopt ng LGU sa nasabing platform sa local Disaster Risk Reduction Climate Change at development planning initiatives nito.

Ang IT initiative ng DOST-Phivolcs na GeoRiskPH ay nagbibigay ng mga impormasyon at tools, gaya ng hazard maps, risk assessments, early warning systems, at decision support tools, na makakatulong sa lahat ng stakeholders sa pag-identify ng areas of vulnerability, pag-assess ng risks, at paggawa ng informed decisions upang mabawasan ang epekto ng mga kalamidad.

Ayon sa MPDO, ang LGU-Bayambang ang nagwagi out of 110 LGUs na nominado sa nasabing parangal. (RSO; MPDO)