Bayambang Fire Station, Nag-Open House

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Fire Prevention Month 2025 na may temang “Sa pag-iwas sa sunog, hindi ka nag-iisa,” ang Bayambang Fire Station sa pangangasiwa ni SInsp Divine S. Cardona MFM ay nagsagawa ng isang Open House Activity para sa mga daycare pupil mula sa Municipal Child Development Center, Asiana Learning Institute Inc., at Saint Alexander M. Sauli Catholic School.

Naipakita ng BFP Bayambang ang kanilang mga tungkulin at mandato, at kanilang ipinakilala sa mga bata ang iba’t ibang uri ng uniporme, gamit na personal protective equipment, at aktuwal na pagsasagawa ng firefighting, pati na rin ang firefighting drill.

Layunin ng open house na ito na bigyan ng pagkakataon ang mga bata na maranasan kung paano maging isang bumbero sa loob ng isang araw, at upang mapataas ang kanilang kamalayan tungkol sa kaligtasan sa sunog, pagpuksa nito, at pag-iwas dito.

Sa kaso ng sunog at emergency, tumawag sa BFP hotline: 0917-1852611.

(BFP/RSO; BFP)