Sa pakikipag-ugnayan sa Municipal Nutrition Action Office at Municipal Social Welfare and Development Office, ang Bayambang Feeding Angels ay muling nagpamudmod ng blessings sa mga undernourished children at ilang 4Ps families sa Bayambang, ngayong araw, May 10, 2025, sa iba’t ibang barangay.
Salamat sa kanilang mga secret sponsors na batchmates sa high school na ngayo’y nakabase na sa iba’t ibang lugar kabilang ang mga nasa abroad, sila ay namigay ng mga food pack at fresh na gulay galing Baguio, pati na mga laruan para sa mga paslit.
Sila ay nagtungo sa Brgy. Nalsian Sur, kung saan sila ay may 5 beneficiaries; Nalsian Norte, 10; Buenlag 1st, 5; Mangayao, 7; Sapang, 13; Duera, 10; at Asin, 3.
Ang grupo ay tumuloy din sa Tamaro kung saan kanilang biniyayaan ang may 50 kabataan na anak ng mga 4Ps beneficiaries doon.
Sila ay may kabuuang 103 beneficiaries ngayong araw.
Mula sa umpisa hanggang sa araw na ito, sila ay nakapag-ikot na sa 68 out of 77 barangays ng Bayambang sa paghahatid ng mga munting pagpapala. (RSO; MNAO, Feeding Angels)