Ang Bayambang ESWMO ay isa sa anim lamang na compliant sa ESWMO sa buong probinsya ng Pangasinan matapos ang monitoring ng DENR-EMB 1 sa mga 10-Year Solid Waste Management Plan ng mga LGU sa Pangasinan.
Ito ay matapos maisakatuparan ng EWSMO-Bayambang, sa pamumuno ni MENRO Joseph Anthony F. Quinto, ang lahat ng sampung component ng naturang SWM Plan: ang source reduction; collection; segregation, recycling and composting; marketing and market development; alternative technologies for residual wastes; solid waste disposal; special wastes and health care wastes; monitoring program; financial aspects; at waste diversion.
Ang finding na ito ay iprinisenta ni Junero-Rome A. Estolas, EMS II, EnMO Pangasinan, DENR-EMB 1, sa 4th Quarter Meeting ng Provincial Solid Waste Management Board sa kapitolyo ngayong araw, Nobyembre 15, 2023.