Bayambang, Contender sa 1st Year CROWN Maintenance Award

Kinilala ang bayan ng Bayambang ng National Nutrition Council (NNC) Region I bilang isa sa mga contender para sa 1st Year CROWN Maintenance Award, sa ginanap na 2025 Gawad Parangal ng Nutrisyon noong  Nobyembre 6, 2025.

Ang pagkilalang ito ay indikasyon ng mahusay at epektibong pagpapatupad ng mga lokal na programang pangnutrisyon ng bayan, alinsunod sa Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI Pro).

Pinangunahan ni Mayor Niña Jose-Quiambao, Chairperson ng Municipal Nutrition Committee, na nirepresenta ni Councilor Jocelyn Espejo kasama si Municipal Nutrition Action Officer Venus Bueno, ang pagtanggap ng pagkilala bilang contender mula kay NNC-RI OIC Chief Kendall Pilgrim Gatan sa Hotel Ariana, Bauang, La Union.

Sa pamamagitan ng mga inisyatibong pangkalusugan, feeding programs, at kampanya para sa tamang nutrisyon, patuloy na pinatutunayan ng Bayambang ang pagiging modelo ng masustansya, malusog, at maunlad na komunidad sa buong Rehiyon I. (RSO; MNAO)