Bayambang CDCs at CDWs, 100% Accredited!

Matagumpay na naisagawa ngayong araw, February 6, 2026, ang huling batch ng accreditation o external evaluation ng 14 Child Development Centers (CDCs) at Child Development Workers (CDWs) ng bayan ng Bayambang, alinsunod sa itinakdang Early Childhood Care and Development (ECCD) Guidelines at Assessment Tools.

Pinangunahan ang proseso ng ebalwasyon ng mga ECCD Council-recognized assessors na pinamumunuan ni Provincial ECCD Focal Person Carla Cacatian, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office.

Sa pamamagitan ng nasabing evaluation, ganap nang 100% accredited ang lahat ng 78 CDCs at CDWs sa buong bayan—isang mahalagang hakbang sa patuloy na pagpapaangat ng kalidad ng serbisyong pangkalusugan, nutrisyon, at maagang edukasyon para sa mga kabataang Bayambangueño.

Ang evaluation ng mga CDC ay isa ring mahalagang requirement upang makapasa ang bayan ng Bayambang sa Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA) at sa Seal of Good Local Governance (SGLG), na parehong sumasalamin sa mahusay at responsableng pamamahala ng lokal na pamahalaan.

Patuloy ang pasasalamat ng pamahalaang bayan ng Bayambang sa pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao sa lahat ng CDW, assessor, at mga katuwang na ahensya sa kanilang dedikasyon at malasakit sa kapakanan ng mga bata — isang matibay na pundasyon para sa mas maliwanag na kinabukasan ng bayan. (RSO; MJB; MSWDO)