Bayambang, “Beyond Compliant” Muli sa 24th Gawad KALASAG

Muling nakamit ng LGU-Bayambang ang “Beyond Compliant” rating sa 24th Gawad KALASAG ng National Disaster Risk Reduction and Management Council – Office of Civil Defense.

Ito ay isa na namang pagkilala para sa kahusayan sa disaster risk reduction and management at humanitarian assistance ng LGU sa pamamagitan ng Local DRRM Council sa pamumuno ni MDRRMC Chairman, Hon. Mary Clare Judith Phyllis ‘Niña’ Jose-Quiambao, at MDRRM Office sa pamumuno ni LDRRMO V, Ms. Genevieve N. Uy.

Ang Gawad KALASAG (KAlamidad at sakuna LAbanan, SAriling Galing ang kaligtasan) ay itinatag noong 1998, bilang pagkilala sa natatanging galing sa disaster risk reduction at management at humanitarian assistance.

Ito ay nagsisilbing isa sa pinakamataas na pagkilala at parangal sa bansa para sa mga LGU at mga stakeholder na nagsusulong at nagpapatupad ng disaster risk reduction and management, climate change adaptation (DRRM-CCA), at humanitarian assistance programs na nagpoprotekta at sumasangga sa mga high-risk na komunidad laban sa mga panganib.

Kinikilala ng “Beyond Compliant” assessment ang mga LGU na lumalampas sa pamantayan para sa DRRM-CCA.

Ang LGU-Bayambang ay consistent Gawad KALASAG recipient.

Ito ay “Fully Compliant” noong taong 2021, “Beyond Compliant” noong 2022, at “Fully Compliant” noong 2023.

Nakatakdang tanggapin ng Bayambang MDRRM Council members ang naturang parangal sa ika-17 ng Disyembre, 2024 sa San Fernando City, La Union.

Congratulations sa LGU Bayambang!