Bayambang, 93.96% “Highly Functional” sa 2024 POC Audit!

Muling pinatunayan ng Pamahalaang Bayan ng Bayambang ang kahusayan nito sa larangan ng kapayapaan at kaayusan matapos makamit ang 93.96% “High Functional Rating” sa Peace and Order Council (POC) Audit na isinagawa noong nakaraang taon.

Ang mataas na rating ay bunga ng masinop na pagpapatupad ng mga programa at polisiya na naglalayong panatilihin ang kaayusan, seguridad, at disiplina sa buong bayan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Niña Jose-Quiambao. Sinuri sa audit ang functionality ng konseho, mga hakbang sa crime prevention, disaster preparedness, at ang pakikipag-ugnayan sa mga law enforcement agencies at iba pang stakeholders.

Ang nasabing pagkilala ay sumasalamin sa matibay na koordinasyon ng lokal na pamahalaan, kapulisan, mga barangay, at iba pang katuwang na ahensya sa pagtataguyod ng isang mapayapa at maunlad na Bayambang. (RSO; WMC)