Bayambang, 33rd Regional Zero Open Defecation-Certified Municipality!

Sa direktiba ni Mayor Niña, naging abala kamakailan ang LGU matapos nitong sumailalim sa monitoring ng DOH Region I para sa ZOD o Zero Open Defecation validation ng Bayambang.

Ang ZOD ay isang DOH program na humihikayat sa komunidad na magkaroon ng access sa maayos na palikuran para maiwasan ang mga sakit na nakukuha dala ng pagdumi o pagtapon ng human wastes kasama ang diapers sa open public places.

Matapos ang ilang linggong pagpapaalala sa mga barangay, nag-random inspection ang DOH sa iba’t ibang lugar upang ma-spotcheck ang kanilang compliance sa garbage disposal at ZOD.

Kasama sa naging operasyon ang mga RHU, si Councilor Rhyan de Vera, ESWMO, Bayambang District Hospital Sanitation Inspector, Provincial Sanitation Inspector, MLGOO, mga BHW, at iba pang barangay officials.

Ang team ay dalawang beses na nag-ikot sa loob ng anim na araw mula October 1-3 at Oct 15-17, 2025 upang magvalidate sa randomly selected (by draw lots) na mga barangay.

Noong October 17, ang lahat ng nabunot na walong barangay ay idineklarang pasado sa ZOD validation. (RSO; RHU)