Sa 3rd quarter na pulong ng Municipal Advisory Council, inanunsyo ng DSWD na mayroong kabuuang 7,239 na aktibong 4Ps household beneficiaries. 232 households ang grumaduate noong Marso, at may 326 naman ang nakatakdang grumaduate sa taong ito.
Inanunsyo ng DSWD na ang Bayambang ay nagwaging 2nd runner-up sa ginanap na search for ‘Model LGU Implementing 4Ps.’
Ang pagkilalang ito ay repleksyon anila, hindi lang ng maayos na pamumuno at mabuting pamamahala, kundi pati na rin ang commitment ng LGU-Bayambang na mapataas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap.
Ito rin anila ay pruweba ng maayos na pagtutulungan ng lahat ng opisyal, program implementers, at ng buong komunidad sa sustainable development at empowerment of disadvantaged households.
Ang pulong ay ginanap noong September 25, 2024, sa Sangguniang Bayan Session Hall. (RSO; JMB)