Batang Zone 6, PWD Singing Champ

Ang PWD singing champ mula Bayambang na si Christian Joel C. Dueñas ng Brgy. Zone VI ay nanalong second runner-up sa “PWD Got Talent” competition ng DSWD Region I sa Vigan City, Ilocos Sur, noong, August 22, 2024, kung saan kinanta niya ang kanyang bersyon ng “You Raise Me Up.”

Nauna nang nagwagi si Dueñas bilang kampeon sa “The Voice PWD Edition” ng Pangasinan Provincial Social Welfare and Development Office at PDAO Pangasinan noong August 20 sa SM Urdaneta City. (RSO; MSWDO)