Isang 1-year-old na bata na taga-Brgy. Manambong Sur ang tinulungang maipa-opera ng libre ni Mayor Niña noong August 1, matapos itong ma-diagnose ng sakit na occipital mass meningocele. Ang hospital bill sa The Medical City Clark na nagkakahalaga ng P820,000 ay sinagot ni Mayor Niña, kaya’t walang hanggan ang pasasalamat ng mga magulang ng bata na si Kairo Matias Gabriel.









