Batang Bayambangueño, Champion sa “The Voice PWD Edition” ng PSWDO

Ang batang si Christian Joel C. Dueñas ng Brgy. Zone VI ay nagwagi bilang kampeon sa “The Voice PWD Edition” ng Pangasinan Provincial Social Welfare and Development Office at PDAO Pangasinan.

Ang patimpalak ay ginanap noong August 20, 2024, kasama ang mga PWD Association President sa SM Urdaneta, Urdaneta City, kung saan nakalaban ni Dueñas ang 37 na kalahok mula sa iba’t ibang bayan.

Si Dueñas ang magiging representative ng Pangasinan sa “PWD Got Talent” sa Vigan City sa August 22. (RSO; JRA/PDAO/LYDO)