Basic OSH Training, Idinaos para sa Safety Officer ng Micro-Enterprises

Nagconduct ang DOLE ng isang Basic Occupational Safety and Health Training, sa tulong ng PESO, noong November 15, 2024 sa Pavilion I, Saint Vincent Ferrer Prayer Park.

Layon nitong magbigay kaalaman at kasanayan patungkol sa health and safety principles, regulations, hazard identification, and emergency preparedness.

Dito ay ipinaalam na habang dumarami ang mga aksidente at pinsala sa workplace, ang mga safety officer ay may mahalagang papel sa pagtiyak sa kaligtasan at kalusugan ng mga empleyado.

Ang pagsasanay na ito ay nagtuturo sa mga kalahok na kilalanin ang mga panganib sa kanilang pinagatrabahhan at turuan ang mga empleyado tungkol sa kaligtasan.

Naging tagapagsalita sina DOLE RO1 Labor Inspectors, Engr. Jeff Calica, Engr. Darwin Macatba, Engr. Lyndon Gapuz, at Engr. Mark Ancheta, kasama ang kanilang TUPAD Coordinator Assistant.

Naroon din ang mga Assistant Labor Inspectors na sina Sharimar Camangeg at Mauree Gallego, TUPAD Coordinator Ryan Collado at Ace Cabrera ng DOLE CPFO, TUPAD Coordinator Ryan Paulo Maynes ng San Fernando, La Union at mga PESO Bayambang staff. (PESO/RSO; PESO)