Isang Basic Carpentry Repair and Basic Nail Care Training ang inihandog ng provincial government sa may 25 na ERPAT participants at KALIPI participants ngayong araw, Oktubre 17, 2025, sa Pavilion I, St. Vincent Ferrer Prayer Park, sa tulong ng PESO-Bayambang at MSWDO-Bayambang.
Ang mga lumahok ay hinandugan din ng PESO-Pangasinan ng libreng nail care kits at carpentry tools.
Sila ay binati ng mismong TESDA Provincial Director na si Dir. James F. Ferrer. (RSO; PESO)












