Nagsagawa ang Office of the Special Economic Enterprise (SEE) ng isang Basic Business Management Seminar para sa mga market vendor, sa layuning higit pang mapaunlad ang sektor ng negosyo. Ito ay ginanap sa SB Hall noong ika-19 ng Disyembre, 2023, sa temang, “Your Business, Your Future: Strategies for Sustainable Growth.”
Ang seminar ay nagbukas sa isang inspirasyonal na mensahe mula kay Municipal Treasurer, Luisita B. Danan.
Naging resource speaker dito ang Bank Officer ng Bangko Sentral ng Pilipinas na si Gomer Gomez, na tumalakay sa paksang “Financial Literacy: Know Your Money and Saving or Budgeting” at ang Development Analyst ng Department of Trade and Industry na si Vanessa Joy V. Tubera, na tumalakay naman sa “Entrepreneurial Literacy: Rudimentary Procedures on Basic Retailing.”
Sa isang open forum, binigyang linaw ang mga katanungan ng mga lumahok na vendor.
Sa huli, nagpasalamat naman si SEE OIC, Atty. Melinda Rose R. Fernandez, sa lahat ng mga participant at speaker na nagbigay ng kanilang oras at kaalaman. (by Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; photos: JMB)