Barangay Secretaries, Pinulong ng DILG ukol sa Iba’t Ibang Usaping Pambarangay

Ang unang buwanang pulong ng mga Barangay Secretary ay isinagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG), sa pangunguna ni MLGOO Johanna T. Montoya, ngayong araw, February 2, 2024, sa Balon Bayambang Events Center, para talakayin ang mga sumusunod:

– Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC),

– Barangay Peace and Order Council (BPOC),

– Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA),

– Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay (HAPAG),

– Katarungang Pambarangay,

– Kalinisan Day,

– aprubadong pagsumite ng Barangay Budget,

– barangay administrative requirements

– pagconduct ng Barangay Newly Elected Officials Program sa buwan ng Pebrero hanggang sa unang bahagi ng buwan ng Marso

Dumalo dito ang 77 barangay secretaries ng Bayambang.

Dumalo rin sina Councilor Martin E. Terrado II, Councilor Amory M. Junio, at SB Secretary Joel Camacho upang pag-usapan ang kani-kanilang concerns.

Natalakay din ang road clearing, Bali-Balin Bayambang, Barangay Ecological Solid Waste Management, programang kalusugan, at employment at OFW concerns, na pinangunahan ng mga head at representative na sina BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, PA, ESWMO SEMS Eduardo Angeles Jr., at RHU I Sanitary Inspector Jonathan Florentino.

(ni Vernaliza M. Ferrer/RSO; larawan ni JMB)