Ang mga Punong Barangay, Kagawad, Barangay Secretary, at Barangay Treasurer ng Bayambang ay dumalo sa tatlong araw na Integrated Skills Enhancement Seminar, kung saan tinalakay ang mahahalagang paksa tulad ng Barangay Local Legislation, Katarungang Pambarangay, Anti-Drug Abuse Program, SGLGB Orientation, Barangay VAWC Laws, at Solid Waste Management Program.
Ang seminar ay ginanap sa Subic Bay Travelers Hotel & Event Center mula Pebrero 27 hanggang Marso 1, 2026, at inorganisa ng Liga ng mga Barangay – Bayambang Chapter sa pamumuno ni LnB President Rodelito Bautista at sa pakikipagtulungan ng Great Achievers of the Philippines, Inc.
Kabilang sa mga resource speakers sina Dr. Corazon David, na nagbigay ng lecture tungkol sa “Handling of Cases of Women and Children at the Barangay Level,” at si Gen. Francisco Millare, Retired PA, na nagturo tungkol sa “Solid Waste Management.”
Sa seminar na ito, ibayong napalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga opisyal ng barangay sa pagpapabuti ng pamamahala at serbisyo publiko sa kanilang nasasakupan. (John Paulo Ballesteros/RSO; LnB)








