Ang mga Punong Barangay, Barangay Kagawad, Sangguniang Kabataan Chairperson, Barangay Secretary, at Barangay Treasurer ay dumalo sa isang training-seminar noong ika-17 hanggang 19 ng Hulyo 2025 sa Pampanga upang matuto ng mga bagong kaalaman ukol sa Strengthening Institutional Capacities of Barangay Anti-Drug Abuse Council (SICAP-BADAC), Gender and Development (GAD), at Seal of Good Local Government for Barangays (SGLGB).
Sa talakayan ukol sa SICAP BADAC, sila ay inabisuhan ukol sa sitwasyon hinggil sa mga kaso ng ilegal na droga at kung paano magagamit ang mga makabagong teknolohiya upang makatulong sa pagsawata nito.
Ukol naman sa GAD, sila ay natuto kung paano masiguro na ang lahat ng proyekto ay patas na mapapakinabangan ng lahat anuman ang kasarian.
Ukol naman sa SGLGB, tinalakay sa kanila ang nararapat na dokumentasyon, pagbabadyet, at implementasyon ng mga proyekto sa barangay upang tumalima sa lahat ng mga pamantayan ng pamahalaan. (RSO; RHOB/SK)






