Ballerinang Bayambangueña, Nagpamalas ng World-Class na Performance

Isang world-class ballet performance ang ipinamalas ni Cassandra Venice Santos, isang Bayambangueñang ballet dancer mula sa Barangay Inirangan, ngayong araw, May 25, 2026.

Sa murang edad, nakapagtala na siya ng iba’t ibang pagkilala sa larangan ng ballet sa loob at labas ng bansa. Kinatawan niya ang Pilipinas sa mga prestihiyosong dance festival sa Malaysia at South Korea, at nagwagi rin sa ilang international dance competitions.

Bukod dito, nabigyan siya ng pagkakataong magsanay sa mga kilalang institusyon gaya ng Vaganova Ballet Academy at Bolshoi Ballet Academy sa Russia. Siya rin ay apprentice ng Quezon City Ballet at Halili-Cruz Dance Company.

Si Cassandra ay anak nina Engr. Charlemagne B. Santos at Cheryll A. Santos, na patuloy na sumusuporta sa kanyang paglalakbay at mga tagumpay sa larangan ng sining ng sayaw. (KBP/SMGC;AG/Rob C)