Bali-balin Bayambang, Muling Inilunsad para sa mas Malinis, Ligtas at Maaliwalas na Bayan

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa kaayusan at kalinisan ng komunidad, muling inilunsad ang Bali-Balin Bayambang noong ika-26 ng Pebrero sa Balon Bayambang Events Center.

Sa nasabing re-launching, ipinakita ang mga posibleng epekto ng kawalan ng disiplina sa basura, kabilang ang baha, sunog, at pagkalat ng sakit.

Mas magiging malawak din ang pangongolekta ng basura, dahil sa pagdating ng 2 garbage compactor trucks. Kung dati ay 12 barangays lamang ang nalilibot ng garbage collectors upang mangolekta ng basura, ngayon ay magiging 47 barangays na dahil sa malawak na kapasidad ng mga bagong truck.

Ipinakilala din ang mga “Basura Patrollers” na magsisilbing “human CCTV” na siyang tututok sa bawat sulok ng bayan upang isuplong ang mga mahuhuling violators at magbibigay ng citation tickets o notice of violation. Dahil sa kanila mas mapapaigting din ang implementasyon ng polisiya at batas gaya ng Anti-Dugyot Law, Municipal Ordinance No. 18 at 19.

Magiging katuwang naman ng Basura Patrollers ang mga bagong purchased carts sa pangongolekta at pag-segregate ng basura sa bayan. Mas pinalevel-up din ang IEC sa Bali-balin Bayambang 2.0, dahil sunud-sunod ang isasagawang IEC sa mga barangay, paaralan, CSO, at enterprise upang matuto ng basic knowledge sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating bayan at kung paano mag-recycle.

Upang mas mahikayat ang bawat Bayambangueño na mag-segregate ng kanilang basura, ang “Abastom parad Basuram” program ay ipapatupad, kung saan ang bawat 5-kilo ng recyclable waste ay mapapalitan ng isang grocery item tulad na lamang ng bar ng laundry detergent, lata ng sardinas, toothpaste, o dishwashing liquid.

Layunin ng Bali-balin Bayambang 2.0 na paigtingin ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pagpapanatili ng malinis na kapaligiran, kaya’t hinihikayat ng LGU ang bawat pamilya, komunidad, at business establishment na gawin ang kanilang bahagi upang mapanatiling maayos at malinis lahat ng sulok ng bayan ng Bayambang.

(ni Khim Ambrie L. Ballesteros/RSO; larawan: Ace Gloria)