Bali-Balin Bayambang Committee, Nagmonitor sa District 2

Naglibot ang Bali-Balin Bayambang Committee sa mga barangay ng District 2 noong February 11 bilang bahagi ng pagpapatuloy ng clean-green-and-bloom project ni Mayor Niña.

Dalawang monitoring team ang itinalaga upang magsagawa ng masusing pag-iikot at ebalwasyon sa mga nasasakupang barangay ng District 2: Bongato East at West; Brgy. Manambong Norte, Parte, at Sur; San Gabriel 2nd; Paragos; Iton; at Pantol

upang iassess ang pakikiisa ng mga opisyal at residente, ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran, at ang compliance ng mga programang pangkalikasan sa bawat lugar.

Saklaw ng isinagawang ebalwasyon ang tatlong pangunahing aspeto ng programa: Ang BLOOM o Bougainvillea & SK Eco Space na may 30% na puntos, GREEN o Food Gardening & Ornamental Plants na may 30%, at CLEAN na kinabibilangan ng Solid Waste Management, ZOD at Drainage, at Hayop Mo, Tali Mo na may 40%.

Ang programana ito ay para masuri ang aktibong partisipasyon ng mga barangay, ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran, at ang pagpapatupad ng mga programang pangkalikasan. (RSO; RHOB/BBB)