Bakuna Kontra Sakit, Hatid ng RHU sa mga Paaralan sa Bayambang!

Kasalukuyang isinsagawa ng Rural Health Unit (RHU) ng Bayambang ang school-based immunization (SBI) sa lahat ng paaralan sa bayan, bilang bahagi ng patuloy na kampanya ng pamahalaan para sa kalusugan ng mga kabataan.

Layunin ng programang ito na maprotektahan ang mga mag-aaral laban sa mga nakamamatay na sakit tulad ng tigdas (measles), tetanus, diphtheria, at cervical cancer.

Kabilang sa mga nabakunahan ay ang mga Grade 1, Grade 7, at mga babaeng mag-aaral na may edad 9 hanggang 11 taong gulang, na tumanggap ng kani-kanilang mga bakuna.

Binigyan din ng measles booster dose ang mga piling mag-aaral upang mas mapalakas ang kanilang resistensya.

Hinihikayat ng RHU-Bayambang ang mga magulang at guro na suportahan ang ganitong mga programa upang matiyak ang kalusugan at ligtas na kinabukasan ng mga kabataang Bayambangueño.

Yaong mga hindi nabakunahan sa kung anong kadahilanan noong araw ng kanilang iskedyul sa paaralan ay maaaring magpunta sa barangay sa araw ng bakuna. (RSO; RHU)