Bakuna Kontra Rabies Death sa Brgy. Caturay

Ang Municipal Agriculture Office sa pangunguna ni OIC-MAO Zyra Orpiano katuwang si Municipal Veterinarian, Dr. Joselito Rosario, ay nagtungo sa Barangay Caturay noong ika-16 ng Agosto upang magsagawa ng massive anti-rabies vaccination sa mga alagang hayop ng mga tagaroon.

Inaasahan din ang patuloy na pagbabakuna sa araw ng Biyernes kasabay ng Komprehensibong Serbisyo sa Bayan Year 6 na gaganapin naman sa Barangay Nalsian at Tamaro.

Ang pagbabakunang ito ay ang isa sa mga pinakamainam na solusyon upang maiwasan ang rabies death sa bayan.

Pinaaalalahanan ang mga may alagang hayop gaya ng aso at pusa na maging responsableng pet owners dahil kung ang kanilang mga alaga ay nakakagat ng tao ay may karampatang parusa na maipapataw sa kanila alinsunod sa R.A. No. 9482 o mas kilala bilang Antirabies Act of 2007.