Bahay Kubo, Tinanggap ng PNP Bayambang

Isang bahay kubo ang opisyal na ipinagkaloob sa PNP-Bayambang bilang karagdagang pasilidad sa kanilang checkpoint area sa Brgy. Nalsian Sur noong Hulyo 25, 2025.

Ang naturang kubo ay nagkakahalaga ng P75,000 na pinondohan ng tanggapan ni Mayor Niña Jose-Quiambao.

Ito ay magsisilbing pahingahan at pansamantalang opisina ng mga pulis na naka-duty sa checkpoint, lalo na sa panahon ng matinding init o ulan.

Bukod sa dagdag-kaginhawaan, layon din ng proyekto na suportahan ang kapulisan sa kanilang tuluy-tuloy na pagbabantay at pagpapatupad ng kaayusan at seguridad sa bayan, lalo na illegal vending sa tapat nito. (KB/RSO AG)

#TotalQualityService

#NiñaAroTaka